top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HAWKS, ANG LAKAS, DINAGIT ANG TRIPLE DOUBLE NI JAMES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14, 2019
  • 1 min read

KAPWA umiskor sina John Collins at Trae Young ng tig-22 puntos upang matulungan ang Atlanta Hawks na tapusin ang three-game losing streak sa bisa ng 117-113 victory laban sa bisitang Los Angeles Lakers sa NBA game kahapon.

Ang pagkatalo ang pumahiya sa triple-double ni Los Angeles forward LeBron James na may nagawang 28 puntos, 11 rebounds at 16 assists. Ito ang kanyang ika-5 triple-double ng season pero kinapos.

Tinuldukan ng Atlanta ang five-game losing streak laban sa Lakers at ginapi ang Los Angeles ng unang beses mula noong Marso 4, 2016. Ang panalo rin ang nagpa­tapos sa limang sunod na home losing streak ng Atlanta.

Umiskor si Collins ng 8 pun­tos para sa Atlanta at may 17 sa half period. May 8 rebounds at 3 assists para sa kabuuan ng laro, may 3 puntos, 14 assists at 6 rebounds.

Sa iba pang laban, umiskor si Gordon Hayward ng 26 points upang pangunahan ang bisitang Boston Cel­tics na pahiyain ang Philadelphia 76ers, 112-109. Bumanat si Al Horford ng 23 puntos ha­bang si Jason Tatum ay may 20 at 10 rebounds nang tapusin din ng Celtics ang dalawang sunod na talo. Nabangko si All-Star guard Kyrie Irving dahil sa knee injury.

May nagawang 23 puntos si Joel Embiid at 14 rebounds para sa league-leading na 47 double-double, dumagdag si Jimmy Butler ng 22 at 9 rebounds. Umiskor sina Ben Simmons at JJ Redick ng tig-16 puntos. Samantala, tinambakan ng Orlando Magic ang New Orleans Pelicans, 118-88. Nakalusot ang San Antonio Spurs sa Memphis Grizzlies, 108-107. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page