Concealment sa insurance policy

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Hindi ko sinasadya, pero nakalimutan kong sabihin sa health insurance company ko na naospital ako noong nakaraang buwan dahil sa pneumonia. Nais kong malaman kung magkakaroon ba ito ng epekto sa insurance contract ko? — Francia
Dear Francia,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sections 26 at 27 ng Republic Act (R.A.) No. 10607 kung saan nakasaad na:
“SEC. 26. A neglect to communicate that which a party knows and ought to communicate, is called a concealment.
“SEC. 27. A concealment whether intentional or unintentional entitles the injured party to rescind a contract of insurance.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, ang hindi pagsasabi sa inyong health insurer ng mga bagay-bagay tungkol sa inyong kalusugan, sinadya man ninyo ito o hindi ay itinuturing na concealment o pagtatago at ito ay maaaring makapagbigay ng karapatan sa nasabing health insurer upang ikansela ang inyong contract of insurance.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments