Babala ng experts... SOBRANG PAGKAIN NG KIWI, PRONE SA PANCREATITIS!
- BULGAR

- Feb 14, 2019
- 1 min read

SA una, mukhang creepy talaga ang hitsura ng kiwi fruit, pero kapag natikman na ninyo ito, eh, tiyak na kahihiligan na ninyo ang pagkain nito. ‘Yun nga lang, kahit na mukhang masustansiya ang kiwi dahil prutas ito, knows ba ninyong may disadvantages din ang pagkain nito? Woah!
Ayon sa mga eksperto, ang kiwi ay madalas na sanhi ng allergic reactions, kaya mainam kung magiging maingat tayo sa pagkain nito.
Gayunman, sa pag-aaral, natuklasan na ang sobrang pagkain ng kiwi ay nagreresulta ng asthma at local mouth irritation.
Dagdag pa rito, nakapagde-develop din ng skin disorder ang kiwi tulad ng dermatitis, skin asthma at marami pang iba.
Samantala, bagama’t, mayaman sa potassium, serotonin at Vitamins C at E ang kiwi, ang mga component na ito ay nakaa-alter sa triglyrecide level sa dugo na mapanganib para sa ating pancreas na maaaring magresulta ng sakit na pancreatitis.
Hindi rin ito puwedeng paglihian ni preggy mamshie dahil ang sobrang pagkain ng kiwi ay may masamang dulot sa pagbubuntis ni mamshie, gayundin sa kalusugan ni baby. Aww!
Totoo talaga ‘yung kasabihan na “anumang sobra ay nakasasama”, kaya ang panawagan ng mga eksperto, makinig kayo sa mga payo ng doktor ninyo at kung may allergy kayo, mas mabuti kung hindi ninyo susuwayin ito dahil dehins natin knows kung ano ang magiging resulta kapag na-triggered ang ating allery.
Kaya, mga beshy, hinay-hinay lang sa pagkain, ha?
Kung may bet na bet talaga kayong pagkain, make sure na sapat lang ang doses na mai-intake ninyo kada araw dahil may bukas pa naman. Ha-ha-ha!
Be healthy, always!
Okay?





Comments