top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Trike driver binaril sa ulo, utas

Gina Pleñago
Feb 13, 2019
1 min read

ITINUMBA ng hindi pa kilalang suspek ang tricycle driver sa harapan ng welding shop sa Parañaque City.

Kinilala ang nasawi na si Ryan Lope y Ebanos, 38, may asawa, tricycle driver, residente ng Bgy. San Dionisio, sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pamamamaril sa harapan ng isang welding shop, alas-8:30 ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat nina SPO3 Christopher Blangel at PO3 Gerry Malang, Jr., batay sa testigo na si Jerry, welder, nakatayo ang biktima sa ipinakukumpuning itim na tricycle nang sumulpot ang suspek at binaril sa ulo si Lope na agad nitong ikinasawi.

Tumakas ang suspek sa direksiyon ng Tramo Dos bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Isang basyo ng bala ang narekober ng awtoridad sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page