SAN JUAN KNIGHTS SINAMANTALA ANG KAHINAAN NG Q.C. SA MPBL

DAHIL wala ang apat na key players, banderang kapos ang Quezon City Capitals laban sa kumpletong player ng San Juan Knights na tumibag sa karibal tungo sa 68-50 na madaliang panalo sa MPBL Datu Cup.
Hindi nakalaro si Hesed Gabo dahil may commitment ito sa Japan habang ang backcourt mate na si Andoy Estrella ay may hamstring injury.
Naka-sideline din si big man Jeff Morillo dahil sa shoulder injury habang ang team premier frontliner na si Jay Collado ay may 6 na minuto lang ang inilaro at hindi nakaiskor.
Sinamantala ng Knights ang laro para sa 18th win sa may 23 laro. Nanatili ang San Juan sa fourth spot at nakatiyak na ng home court advantage sa susunod na round.
Sa kawalan ng apat na key players, malamya ang laro ng Capitals maging ang kanilang free throw shooting.
Kumubra ng 11 talo ang Quezon City sa may 21 laro pero nanatiling nasa 6th spot ng northern division ng event. Kung ang San Juan ay may home court advantage, napanatili ng Caloocan na buhay ang playoff bid matapos ang 76-62 win kontra Laguna.
Sa panalo kontra Heroes, nasungkit ng Supremos ang 10th win sa 24 na games at nanatili sa no. 9 spot.
Sa isang natitirang laro, kailangan nilang isara sa panalo ang elimination round campaign at umaasang ang Quezon City, Navotas, at Pampanga ay hindi lalampas sa 10 wins. Tumapos si Almond Vosotros ng 23 points, 8 rebounds at 5 assists habang si Damian Lasco ay may tinapos na career-high 21 markers para sa Supremos.





Comments