Nasalanta ng kalamidad | MAY DAGDAG-PALUGIT SA BILLS, IBA PANG UTANG
- V. Reyes
- Feb 13, 2019
- 1 min read

UMUSAD na makaraang pagtibayin sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang-batas na magbibigay ng financial relief o karagdagang palugit sa mga residenteng nasalanta ng kalamidad upang makapagbayad ng kanilang bills at iba pang utang.
Ayon sa House Bill 9082, pagkakalooban ng karagdagang 60-day grace period mula nang mangyari ang kalamidad o trahedya ang mga hindi pa nakapagbabayad ng kanilang bills sa kuryente, tubig at iba pang utilities na lumampas na sa due date nito.
Masasakop ng financial relief ang mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Anim na buwang moratorium sa principal payments ang ibibigay sa biktima ng kalamidad mula sa anumang private o public financial institution.
Ibig sabihin, walang sisingilin na extra fees at ang late payments ay hindi dapat mauwi sa kanselasyon ng loan.
Karaniwan na nakadaragdag sa mabigat na problema ng mga nasalanta ang pag-iisip pa sa kanilang nakabiting pagbabayad ng bills at iba pang utang sa institusyon.





Comments