Kung maaaring gamitin ang isinanlang gamit
- BULGAR

- Feb 13, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Isinanla ko ang cellphone ko sa isa kong kaibigan. Ngayon, nag-aalala ako na baka gamitin niya ito. Nais kong malaman kung maaari bang gamitin ng pinagsanlaan ko ang cellphone habang ito ay nasa kanya, gayundin kung sakaling gamitin niya ito, ano ang maaari kong gawin? — Romy
Dear Romy, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Article 2104 ng Civil Code. Nabanggit dito na:
“Article 2104. The creditor cannot use the thing pledged, without the authority of the owner, and if he should do so, or should misuse the thing in any other way, the owner may ask that it be judicially or extra judicially deposited. When the preservation of the thing pledged requires its use, it must be used by the creditor but only for that purpose. (1870a)” (Binigyang-diin)
Sang-ayon sa nabanggit na batas, hindi maaaring gamitin ng taong pinagsanlaan ninyo ang inyong cellphone, maliban na lamang kung pinahintulutan ninyo ang paggamit nito o kinakailangan ito upang gumana. Kapag ginamit ito nang walang pahintulot, maaari ninyong ideposito ang inyong isinanla, judicially o extra judicially.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments