Kahit 'di pa kasal, oks lang daw… CARLA, IPINAGTUTULAKAN NANG MABUNTIS NI TOM
- BULGAR

- Feb 13, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NASA Japan si Tom Rodriguez at ang GF na si Carla Abellana at parang doon na rin sila magse-celebrate ng Valentine’s Day.
Walang cheesy caption si Carla sa unang ipinost na picture at sa pangalawang picture, two words na “My strength” lang ang caption niya na puno ng pagmamahal.
Natawa lang kami sa comment ng mga followers ng dalawa na kahit daw hindi pa sila kasal, gumawa na sila ng baby dahil sayang ang panahon at gusto na nilang makita ang magiging babies nina Tom at Carla na siguradong maganda at pogi.
Samantala, kapipirma lang ni Carla ng renewal ng kontrata niya sa GMA Network at habang wala pa siyang teleserye, si Tom muna ang magte-teleserye. Nagsimula na siyang maghanda para sa gagampanang role sa Afternoon Prime na Dragon Lady kapareha si Janine Gutierrez.
Nag-aaral ng Mandarin si Tom dahil bilang si Michael Ong, Fil-Chinese ang role niya sa Dragon Lady. Nag-training na rin siya ng dragon boat racing dahil siya ang team captain at sa napanood naming video, nakakasabay si Tom sa bilis magsagwan ng national team, pero aminadong nahirapan siya dahil mabibilis ang national team.
Ang wish ni Tom, mai-promote ang Dragon Boat via Dragon Lady ‘pag umeere na ang drama series sa direction ni Paul Sta. Ana.





Comments