top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Campaign period, umarangkada na; basura, nagkalat na rin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 13, 2019
  • 1 min read

OPISYAL nang nagsimula ang campaign period kahapon, bagama’t ‘yung mga kapalmuks, matagal nang nangangampanya!

Kasabay ng pag-arangkada ng pangangampanya para sa national candidates na sasabak sa Mayo 13, bakas na wala pa ring pagbabago. Tambak ang iniwang basura sa mga lugar na pinagtipunan ng mga kandidato.

Magkaroon naman tayo ng disiplina. Kampanya lang, walang babuyan ng kapaligiran!

Nagkalat din ang mga election paraphernalia tulad ng mga streamer o poster. Alinsunod sa Republic Act No. 9006 o Fair Elections Act, may mga pamantayan para sa tama at hindi tamang sukat at lugar na pagkakabitan ng mga ito.

Ipinagbabawal ang pagkakabit sa mga pampublikong sasakyan tulad ng bus, jeep o tren. Bawal din sa mga parke, tulay at lahat ng government building.

Puwede lang magkabit sa mga pribadong lugar o gusali kung may pahintulot ng may-ari at dapat hindi lalagpas sa sukat na 3x8 talampakan ang mga gagamiting streamer.

Eh, ang nangyayari kung saan-saan nakasabit pati sa mga kawad ng kuryente na delikado. Kailan kaya mangyayari na talagang may isang lugar lang sa kada nasasakupan kung saan puwedeng maglagay?

Tila mga hindi natatakot na maparusahan sa ilalim ng Omnibus Election Code, na maaaring makulong o madiskuwalipika, kunsabagay, may nasampulan na ba nang matindi-tindi?

Isumbong daw o ipadaan sa social media ang mga reklamo sa naglipanang campaign materials na hindi sumusunod sa sukat at nakakabit sa maling lugar, pagkatapos?

Du’n lang natapos. Ipinost, nag-viral pero, maparurusahan ba talaga?

Kaya hamon sa mga ahensiya na obligasyong pangalagaan ang eleksiyon, patunayan n’yo ring may batas na dapat sundin at may batas na nagpaparusa ‘pag nilabag.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page