BRENNERO, MAKAKALABAN NI SEÑOR LUCAS SA MMTCI AT WTA

MAHIGPIT na paglalabanan ng mga kalahok sa Additional One Win in Group Races na may nakalaang papremyo na P120,000 para sa mananalong kabayo sa karerang magaganap sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar,Batangas.
Sa nasabing karera inaasahan na may puputok na dehado sa pitong karerang magaganap ngayong gabi na kapapalooban ng Winner-Take-All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Asahan na maglalaban sa Race 1 na panimula ng WTA event ang Invicta at Super Vista pandehado ang entry na Yes Music na galing sa panalo. Susunod na karera sa Race 2, maglalaban ang kalahok na Entry No.1 (Bridgeofdriverkwai at Happy Maggie, at El Mundo na simula ng Pick 6 event.
Mahigpit na maglalaban ang Wooloomooloo at Headmastership sa Race 3 kasabay ng pick event at isama sa talaan ang Sta. Monina One at Lady Pio. Isa pang magandang panoorin ang laban ng mga kalahok na Misha at More Stripes at Beautiful Lady para sa pick 4 event sa Race 4. Walang tulak kabigin sa mga kalahok sa Race 5 gaya ng Tanforan, Summer Cruise at Wiling Willie.
Sa Race 6, mabigat na maglalaban-laban sa Group Race (6-7) sa pangunguna ng Señor Lucas,Garantisado at Brennero. Magsisilbing pang primero ang Magat Salamat, magiging paratingan ang Warlock, Allbymyself at Rosario Princess sa Race 7 na bubuo ng WTA, Pick 6 at Pick 5 at Pick 4. Tip ni Mang Ding Race 1- Super Vista (6) Invicta (10) Entry No.7 Race 2- Entry No.1 El Mundo (6) Race 3- Entry No.1 Headmastership(6)
Race 4- Misha (3) More Stripes (4) Race 5- Tanforan (4) Summer Cruise(7) Wiling Willie(1) Race 6- Brennero (6) Senior Lucas (8) Garantisa (2) Race 7- Magat Salamat (1) Entry No.5 AllbyMySelf (7).





Comments