After ng breakup nila ni Benjamin… JULIE ANNE, HINAHABOL NG MGA LALAKI
- BULGAR

- Feb 13, 2019
- 1 min read

MUKHANG nagiging bentahe para sa Asia’s Pop Sweetheart ang pagiging single niya ngayon dahil may mga guys na gustong magparamdam at balak pumorma sa kanya.
Ilang buwan pa lang silang break ni Benjamin Alves at unti-unti pa siyang nagmu-move on. Isinubsob niya ang panahon sa mga shows/concert na kanyang tinanggap. At nagpahayag na siya na sa ngayon, ang career ang kanyang magiging priority at ayaw na muna niyang pumasok sa bagong relasyon.
It seems masyadong nasaktan ang Pop Sweetheart sa kabiguan sa pag-ibig kaya ayaw munang magmahal. Pero, may ilang guys ang interesado na siya ay ligawan at paibigin. May ilan ngang kandidato na nagnanais na siya ay makilala at mapalapit sa kanya.
Hopefully, kung iibig nang muli si Julie Anne ay makatagpo siya ng tamang lalaki na magmamahal sa kanya nang totoo. Sana naman, marunong na rin siyang kumilatis kung sino ang lalaking sinsero at hindi paasa lang.





Comments