top of page

Worried sa namamagang tonsils ng kanyang anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Nakita ko ‘yung tonsils ng 5 years old kong anak na namumula at malaki na tila namamaga, pero napansin kong mas maga ‘yung isa. Nagsasabi siya na masakit daw ito at nakikta kong nahihirapan siyang makakain dahil dito kaya madalas, hindi na lang siya kumakain. Nilalagnat din siya kaya pinaiinom ko siya ng paracetamol. Gusto kong malaman kung kailangan ba nito ng antibiotics at ano ang dapat kong gawin para rito? — Mrs. Paras

Sagot

Ang tonsils ay nasa likod ng lalamunan — sila ang dalawang tumpok sa magkabilaang gilid nito. Kapag ito ay nagkaroon ng impeksiyon mula sa virus o bacteria, ang tawag dito ay tonsillitis. Madalas ang tonsillitis sa mga batang nasa edad 5 hanggang 15.

Madalas nakukuha ang tonsillitis mula sa sipon, flu o bacteria na streptococcus.

Narito ang mga sintomas nito:

  • Mayroong kulay puti o dilaw na batik sa tonsils.

  • Sobrang sakit kapag lumulunok.

  • Sore throat o masakit na lalamunan.

  • Mataas na lagnat.

Ang gamutan para sa tonsillitis ay depende kung dala ito ng bacteria o virus. Kung viral ang tonsillitis, kayang labanan ng katawan ang sakit ng mag-isa. Kapag bacteria naman ang sanhi, antibiotic ang madalas na ibinibigay ng doktor.

Self-care tips para maibsan ang tonsillitis ng bata:

  • Subukang bigyan sila ng maligamgam na tubig na may kalahating kutsaritang asin para imumog nila.

  • Iwasan ang pagbigay sa kanila ng malalamig at matatamis na pagkain o inumin at kung kakain ng mga candy o anumang matamis, dapat painumin agad sila ng tubig.

  • Kung hindi nawawala ang kanyang lagnat, mainam na dalhin agad siya sa doktor para mabigyan ng tamang antibiotic para sa pamamaga ng kanyang tonsils.

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page