Shoutout sa mga may nabola ngayong Valentine’s Day... MGA BAGAY NA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN SA FIR
- BULGAR

- Feb 12, 2019
- 2 min read

MARAMI sa atin, eh, umaasang magkakaroon ng ka-date ngayong Valentine’s Day, ‘yun nga lang, tila pinagdaramutan talaga tayo ng universe. He-he-he! Pero, mayroon din namang may nabola at makahahabol pa sa Araw ng mga Puso, kaya para maging maganda ang kalabasan ng inyong unang pagkikita, narito ang do’s and don’ts sa first date:
1. DO TURN UP ON TIME. Ooops… napakamot ka ng ulo, noh? Eh, kasi naman, ang pangit kung male-late ka sa date mo, lodi! Sa totoo lang, hindi ito nakagaganda ng image, kaya make sure na palagi kayong on time, okie?
2. DON’T KEEP CHECKING YOUR PHONE. Kapag kasama mo na ang date mo, dapat kang mag-focus sa kanya at iwasan mo ang madalas na pagdudutdot sa cellphone mo. Naku, kapag ginawa mo ‘yan, baka iwanan ka niyan. ‘Yun lang!
3. DO LISTEN MORE. Kahit naman sino sa atin, eh, gusto ng pinakikinggan, ayaw natin sa mga taong walang magandang communication skills, kung du’n palang, eh, dehins na kayo magkaintindihan, paano pa kaya sa near future? Hmmm…
4. DON’T BE UNDER DRESSED. Alam nating, marami nang outfit ngayon ang nauuso na plain and simple, pero kung makikipag-date naman tayo, dapat elegante at makikitang nag-effort talaga. Copy?
5. DO ASK MORE QUESTIONS. Siyempre sa una nagkakahiyaan pa, pero rito mate-test ang utak ninyo, mga besh, lalo na kapag medyo wala na kayong mai-topic. He-he-he!
6. DON’T SPEND TOO LONG TALKING ABOUT PAST RELATIONSHIPS. ‘Ika nga, past is past, kaya tigil-tigilan na ninyo ‘yung pag-uungkat ng mga istoryang hindi maganda, allergic tayo sa ganyan, ‘di ba?
7. DO THROW IN A COMPLIMENT. Of course, matuto tayong i-compliment ang ka-date natin lalo na kung nakai-in love talaga ‘yung mukha at personalidad niya.Yiiee!
8. DON’T TRY AND BE PERFECT. Walang perpekto sa mundo, kaya huwag tayong feeling, mga beshy, kung ayaw nating ayawan tayo, hindi dapat tayo mapabilang sa mga “perfectionist”.
Oh, ayan, mga lodi, for sure, dehins na kayo kakaba-kaba riyan. Hi-hi-hi!
Basta always remember na, magpakatotoo lang kayo. Gets mo?





Comments