top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa mga naiinip sa trapik | EH, DI LUMIPAD KAYO — LTO

  • V. Reyes
  • Feb 12, 2019
  • 1 min read

KUNG hindi umano makapagpasensiya ang mga motoristang naiipit sa mabigat na daloy ng trapiko, makabubuting lagyan na lang ng pakpak ang kanilang mga sasakyan.

Hirit ito ng Land Transportation Office-National Capital Region kasabay ng babala sa mga motorista tungkol sa pag-abuso sa paggamit ng busina kapag natatrapik.

“Puwede po kayo maglagay ng pakpak sa sasakyan kung masyado kayong mainipin,” pahayag ng LTO-NCR sa kanilang Facebook post.

“Paalala, ang paggamit ng busina ay para magbigay ng babala. Mali pong bumusina dahil pinagmamadali ang nasa harapan,” dagdag pa nito.

Diin ng LTO-NCR, maaaring hindi alam ng mga nanggigil sa pagbusina na may nakaharang sa unahan nitong sasakyan.

“Hindi n’yo nakikita na hindi sila maka-go kasi merong tumatawid o me harang sa kalye,” ayon pa sa LTO.

Gayunman, nilinaw ng LTO na ang kanilang paalala ay sa layunin lamang na mapagaan ang sitwasyon at hindi upang maging sarkastiko.

“Hindi po intensiyon na maging sarcastic ng admin. ‘Yun pong pakpak is only meant to lighten things up. Seryoso na po buhay at habang nagda-drive ako malimit kong maranasan ‘yan. Let us be positive about this,” pahayag nito.

Muling nagpaalala ang LTO na sundin ng lahat ang mga regulasyong panglansangan.

“Please, start with yourselves, ang batas o anumang guidelines ay ibinibigay para merong panuntunan na susundin. ‘Wag na kayo maghintay ng enforcer. Kung susundin ang pagiging maayos na driver, walang road rage at magiging safe tayong lahat,” diin pa ng LTO-NCR.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page