Pekeng meter reader ng meralco, gumagala!

GOOD payer ba kayo sa inyong Meralco bill matapos isagawa ang meter reading ninyo, mga ka-BULGAR, ng tunay na Meralco agent sa inyong tahanan?
Para sa inyo ito mga suki dahil inaresto ng awtoridad ang isang lalaking nagpapanggap na service collector ng Manila Electric Company (Meralco) matapos mabuking ang ginagawang panloloko ng demonyong suspek sa Kalakhang Maynila.
Ayon sa reklamo ng biktima na isa umanong “bisor” ng Meralco, ang modus umano ng hinayupak na suspek ay ang pagbibigay nito ng disconnection notice sa sub-contractor lineman supervisor na lingid sa kaalaman ng walanghiyang suspek ay konektado rin ito sa Meralco.
Sa pag-isyu nito ng disconnection notice ay hiningan ng demonyong suspek ng P3, 000 ang biktima para umano hindi ito maputulan ng kuryente.
Ngayong Pebrero, napipinto na namang magtaas ng singil sa pagkonsumo ng kuryente kaya ang mga hinayupak na nagpapanggap na Meralco collector ay sinasamantala ang ganitong sitwasyon para makapanloko sa mga konsiyumer na hirap sa pagba-budget sa kanilang mga bayarin tulad sa kuryente, tubig, cable, internet at iba pang gastusin tapos lolokohin lang ng mga halang ang kaluluwang mapagpanggap. Pwe!
Batay sa nakalap na impormasyon mula sa tanggapan ng Eastern Police District, nahuli ang isa sa mga suspek na si Michael Baylon matapos itong ireklamo at maaresto ng mga operatiba ng Marikina Police Commmunity Precint sa pangunguna ni Senior Inspector Mauro Gerero.
O kayo r’yan mga ka-BULGAR, ‘wag kayong basta magtitiwala sa mga nagkukunwaring meter reading at collector ng Meralco na nagpupunta sa inyong lugar. Kilatisin ninyong mabuti at baka ang mga ito ay kasabwat ng nasakoteng suspek para kayo ay maloko.
Ikaw kaibigan, anong sey mo?
Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!
Ligtas ang may alam!
Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!





Comments