top of page
Pokwang.jpg

PANGALUSIAN ISLAND AT ASHLEYS GIFT SA WTA SLLP

Green Lantern
Feb 12, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

NAGDULOT ng Double Carry Over sa Winner Take All (WTA) at Pick 6 sa pagkakapanalo ng Pangalusian Island sa 3rd Henry Cojuangco Cup makaraang talunin ang super outstanding favorite na Sepfourteen sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite noong Linggo.

Dala ng pagkakapanalo ng Ashley’s Gift, sa race 6 ay nagbigay ng magandang dividendo sa 1st WTA kung mananalo ang 2018 Presidential Gold Cup champion ang Sepfourteen na itinuring na super mega outstanding favorite sa Henry Cojuangco Cup.

Subalit binigo ang namumuro kay Sepfourteen ng kabayong Pangalusian Island matapos magwagi sa naturang karera. Dumating na dikit lamang ang nanalong Pangalusian Island habang itinanghal na second place ang Certain To Win habang dumating na pangatlo ang Sepfourteen.

Tumanggap ng P900,000 bilang unang premyo ang Pangalusian Island habang P300,000 ang Certain To Win at P200,000 ang Sepfourteen at P100,000 sa Gomper Girl na dumating na pang-apat na puwesto.

May carry-over na P1.4 milyon sa 1stWTA habang sa 2nd WTA ay may carry over na P673,138.60.

Samantala pinagwagian ng Snap Dance ang Super Hapi –PCSO 3 Year Old Stakes Race habang pumangalawa ang kalahok na Serafina.

Umalis na pangatlo ang kabayong Snap Dance habang nauuna si Forest Cover na siyang nagdala ng martsa nang sumapit sa 200 meters ay sumungaw ang Snap Dance at pumangalawa ang Serafina pagsapit sa finish line.

Pinagkalooban ng P300,000 bilang unang premyo ang kabayong Snap Dance at P112,500 ang pumangalawang Serafina habang may P62,500 ang kabayong si Toy For The Bigboy at P25,000 ang kalahok na Two Timer. Tip ni Mang Ding Race 1- Lirpa’s Choice (1) Entry No.2 Boundary (6) Race 2- Within Reach (3) Tempus Fugit (4) Race 3- Sure Win (6) Change The World (4) Race 4- Raxa Bago (7) Mid Summer Night(1) Ranagant (2) Race 5- El Rey Leon (7) Courageous (1) Entry No.2 Race 6- Magaskawee (4) Entry No.2 Race 7- Irena Smile (2) Entry No.9 My Way

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page