top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pambabastos ng Chinese national sa pulis sa MRT Station, dedma lang kay DFA Sec. Locsin?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2019
  • 2 min read

KITANG-KITA sa CCTV ang banggaan ng pampublikong bus at jeepney sa kanto ng EDSA at Timog Ave. Bumaligtad ang jeepney at nakitang naglalabasan ang mga pasahero nito. Parang wala namang nangyari sa bus. Ayon sa drayber ng jeepney, inabutan siya ng dilaw na ilaw. Ayon naman sa drayber ng bus, berde na raw kaya umandar na siya. Sa mga pahayag na ‘yan, alam natin kung sino ang mali. Para sa mga nakaaalam sa hitsura ng kanto ng EDSA at Timog Ave., mahaba ang babaybayin para makarating sa Timog o sa East Ave. Kaya kung inabutan ng dilaw na ilaw, malamang, hindi tayo aabot sa kabila dahil aandar na ang mga sasakyan sa EDSA.

Ito ang dahilan kaya may mga counter na ang mga intersection tulad sa ibang bansa. Para hindi na magpumilit tumawid kung ilang segundo na lang ang naiiwan bago maging pula ang ilaw. Pero sa totoo lang, ang mga pampasaherong sasak­yan, kasama na rin ang mga motor­siklo ang madalas nagpupumilit pang makatawid kahit malapit nang pumula ang ilaw. Ito ang madalas nating sinasabi na marami ang hindi karapat-dapat nagmamaneho dahil simpleng patakaran lang ito, pero hindi pa masunod. Mabuti sana kung drayber lang ang masasaktan kaso hindi, tulad ng mga pasahero ng jeepney na nakasakay at wala namang kontrol sa sasakyan. Mabuti na lang at walang namatay sa aksidente.

◘◘◘

Ano ang gagawin sa babaeng Chinese na nagtapon ng taho sa pulis na naka-duty sa MRT? Hindi ito pina­pasok ng pulis dahil bawal magpasok ng liquid items sa station ng MRT. Dahil dito, itinapon nito ang taho sa pulis. Kung ang NCRPO ang masu­sunod, madedeklarang “undesirable alien” ang babae. Tila minamaliit ni DFA Sec. Theodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. ang insidente. Hindi raw ito dapat pinalalaki dahil puwede raw itong mangyari kahit kanino, kahit kailan at kahit saan sa mundo.

Pero, karaniwan lang bang tapunan ang pulis sa China? Hindi ba, huhuli­hin ang sinumang magtapon ng anu­mang inumin o pagkain sa pulis? Kung sa Gitnang Silangan kaya nangyari ‘yan, palalampasin na lang ba? Maa­aring iba-iba ang ating mga kultura, pero sa tingin natin, kapag may itinapon tayo sa pulis, kahit saan sa mundo ay huhulihin tayo. Maaaring palampasin ng ilang bansa at magbabayad lamang ng multa, pero hindi rito. Sayang at estudyante pala ang babae sa bansa. Ngayon, bukod sa kulong ay nanganganib na rin siyang patalsikin ng Bureau of Immigration.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page