top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga botante, piyesta sa libreng tsibog at toma

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2019
  • 1 min read

SIMULA na ng kampanya sa senatoriables.

Simula na ng fiesta!

◘◘◘

PIYESTA ngayon ng mga botante.

Libre toma, libre tsibug, regalo rito, regalo ru’n!

◘◘◘

AMINADO ang Comelec na hindi maipatutupad ang batas kontra electioneering.

Lahat kasi lumalabag!

◘◘◘

PARANG pork barrel ‘yan.

Labag sa batas, pero nilalabag mismo ng mga gumagawa ng batas!

◘◘◘

ANG pork barrel system ay epidemya ng kanser sa demokratikong gobyerno.

Hanggan ngayon, walang “lunas” o walang “gamot” kontra pork barrel!

◘◘◘

ANG pork barrel ay iskema upang impluwensiyahan ng Ehekutibo ang Lehislatura at Hudikatura.

Dahil d’yan, nawawalan ng “check and balance” ang gobyerno.

Malinaw na labag ito sa Konstitusyon!

◘◘◘

MAGING ang hudikatura o Korte Suprema ay nakatitikim ng “pork barrel”, isang iskema ‘yung tipong hindi dumaraan sa “normal na proseso” ang paglalabas ng pondo.

Lahat ay guilty sa pork barrel!

◘◘◘

HANGGA’T may pork barrel, patuloy na madidiktahan ng Ehekutibo ang Lehislatura.

Ibig sabihin, ang kanser na ito sa gobyerno ay “inborn disease”, congenital ito.

Mula nang isilang ang gobyerno at ipatupad ang Konstitusyon ay kasama na ang “kanser’ ng pork barrel!

◘◘◘

SA computer, ang virus ay nililikha kasabay ng software.

Kaakibat ng Konstitusyon ang pork barrel!

◘◘◘

ANG pagpapatibay ng Konstitusyon at batas ay may kakambal ng korupsiyon.

Ito ay dahil ang campaign fund para maipatupad sa plebisito ay nagmula rin mismo sa umiiral na gobyerno na siyang nagdidikta ng porma ng batas.

Hindi patas ang mga plebisito, agrabiyado palagi ang “kumokontra” sa naturang mga batas kaya palaging talo ang “no”!

◘◘◘

BIGO ang mga eksperto na ipaliwanag ito sa masa.

Maging ang mga matatalino ay nako-corrupt kaya kaawa-awa ang mamamayan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page