top of page
Pokwang.jpg

MABIGAT ANG LABAN SA SEAG, LIFTER DIAZ DAPAT MAGHANDA

Clyde Mariano
Feb 12, 2019
1 min read

DAHIL sa hangad ni­yang makapaglaro muli sa 2020 Tokyo Olympics, hindi personal na matatanggap ni Brazil Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang kanyang award bilang PSA Athlete of the Year kasosyo sina fellow Asian Games gold medalists Margielyn Didal at Filipino-Japanese Yuka Saso.

Aalis si Diaz sa Pebrero 17 patungong China kasama ang Chinese coach na si Kai Wen Gao na personal na si­nusubaybayan ang kanyang dalawang buwan na training sa Hainan Province malapit sa Guangzhou kung saan gi­nawa ang 2010 Asian Games at gumanap siya bilang flag bearer. “Kailangan kong mag-training sa China bi­lang paghahanda sa dala­wang qualifying competitions na gagawin sa Nimbo (China) sa Abril at Bangkok (Thailand) sa Setyembre. Maha­laga at kailangan kong paghandaan ito dahil mabigat ang labanan,” wika ni Diaz.

Hindi lang sa dalawang Olympics qualifying, ang training sa China ay kasama sa paghahanda sa SEA Games na gagawin sa Nob­yembre sa ‘Pinas. Ang tau­nang PSA Awards Night ay gagawin sa Peb. 26 sa Manila Hotel at bilang tradisyon si President Rodrigo Roa Duterte ang pana­uhing pandangal kasabay ng pagga­wad ng awards sa mga atleta bilang pag­kilala sa kanilang kabaya­nihan sa iba’t-ibang international competitions para sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page