Lalaking sangkot sa drugs nanlaban, utas

PATAY ang isang lalaki matapos umanong manlaban habang nasa kalagitnaan ng anti-illegal drug operation kamakalawa ng gabi sa Cavite City.
Nakilala ang napatay na si Roderick Jardio, 33, ng Bgy. 48 A.
Alas-9:20 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pulisya ngunit, nakatunog ang target na si Jardio na agad nagpaputok sa mga pulis na nagresulta sa engkuwentro.
Tinangka pang dalhin sa Bautista Hospital ang suspek pero, dead-on-arrival ito.
Nakuha mula sa kanya ang ilang sachets ng shabu at baril na cal. 38 revolver na ginamit sa panlalaban.





Comments