top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gustong kuhanan ng insurance policy ang kikitaing tubo sa kanyang negosyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari ko bang kuhanan ng insurance policy ang kikitaing tubo ng aking negosyo? — Tracy

Dear Tracy,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 16 ng Republic Act (R.A.) No. 10607 kung saan nakasaad na:

“SEC. 16. A mere contingent or expectant interest in anything, not founded on an actual right to the thing, nor upon any valid contract for it, is not insurable.” (Binigyang-diin)

Ibig sabihin, ang mga inaasahang kita, tubo o interest, kung hindi manggagaling sa sigurado o tunay na karapatan o kontrata ay hindi insurable. Kaya naman, hindi kayo maaaring kumuha ng insurance contract para sa inyong magiging tubo pa lamang sa inyong negosyo na wala namang katiyakan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page