top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dawn, iniwasan daw… GRETCHEN, OUT SA REUNION NG MGA HOSTS NG GMA SUPERSHOW

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2019
1 min read

Nitz Miralles / BIDA

NAKITA namin si Jackie­lou Blanco sa press interview ng action movie na Exit Point at binati namin siya sa sunud-sunod na projects. Showing pa ang Elise kung saan gu­ma­­ganap siya bilang ina ni Janine Gutierrez.

Nasa Exit Point din siya bilang corrupt na director ng prison facility na si Director Fernandez. Mga action stars ang kasama niya sa pangu­nguna nina Ronnie Ricketts, Jeri­cho Estregan at marami pang iba.

Sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Inagaw na Bi­­tu­in, nanay nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz ang role niya.

Nang i-congratulate namin siya sa mga TV at movie projects niya, “Sinusuwerte lang,” ang sagot ni Jackielou. Kami na ang magdaragdag na kaya siya mabili sa mga producers ay dahil magaling siya.

Natanong si Jackielou sa isyung bakit hindi nila kasama si Gretchen Barretto sa reunion ng mga hosts ng GMA Super­show ni German Moreno. Ginawa sa Manila House sa BGC ang reunion na inayos ni Dawn Zulueta at itinaon sa bakasyon ni Rachel Ann Wolfe.

Sabi nina Jackie at Mariz Ricketts (producer ng Exit Point), inimbitahan si Gretchen, hindi lang pumuwede. Nabanggit daw ni Gretchen na sa next reunion ay dyo-join na siya para wala nang maging isyu.

Naungkat tuloy na nagkaroon ng isyu dati sina Dawn at Gretchen na sabi na­man daw ng una, okay lang sa kanya kung nandu’n si La Greta. Kaya sabi ni Jackielou, kung may isyu man ang dalawa, tapos na ‘yun at okay na ang mga ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page