Wala raw kadala-dala… HIRIT NG MADLANG PIPOL: ANDI, MAS INUNA PANG MAGPABUNTIS KESA ALAGAAN ANG ANAK
- BULGAR

- Feb 11, 2019
- 2 min read

SEPARATELY, we were able to get answers to some interesting questions na itinanong sa magkapatid na Gabby at Andi Eigenmann.
Inamin ni Gabby na sa ngayon, siya ang tumatayong ama sa kanyang mga kapatid mula nang namatay si Mark Gil.
On Andi’s pregnancy, isa sa mga itinanong kay Gabby ay ang reaksiyon niya na hindi na raw natuto ang kanyang younger sister. Pang-ilang relasyon na nga ba ito ng aktres?
He said, “Hindi mo naman masasabi ang ganu’n. For all you know, she looks happy. At the end of the day, kapatid ko naman siya and she needs all the support we can give if ever.
“I would never say it’s a mistake (Andi’s pregnancy). I would consider it a blessing.”
We would agree with Gabby. Tingnan mo nga naman si Ellie (Andi’s first daughter), she is a joy to behold.
On the other hand, na-tackle naman ni Boy Abunda sa interbyu nito kay Andi kung saan nag-ugat ang desisyon niyang mamuhay sa island. Una, sa Baler, at pangalawa, sa Siargao.
Paliwanag ni Andi, “Matagal ko nang pinag-iisipan ‘yan, kung paano mamuhay malayo sa mundong ginagalawan ko. Bata pa ako, mahilig na ako sa skateboard.
“Nu’ng nagkaroon ako ng time na hindi ako busy, itinuloy ko na ang pangarap ko. Tapos, napunta na nga ako sa Siargao.
“Inisip ko na karapatan ko rin naman ang sundin kung ano’ng makakapagpaligaya sa akin.”
Sa sinasabi raw ng mga bashers na mas inuna niya pa ang sarili kesa sa kapakanan ng kanyang anak na si Ellie, she denied this.
“How can I give love and happiness kung ako mismo ay hindi maligaya? I want to discover myself.”
May point nga naman si Andi rito.
“I decided to enroll Ellie in a good school. Ayaw ko siyang i-deprive with the best education which can be offered here.
“Kapag school time niya, if I can’t stay with her, she is either with my mom or with her dad (Jake Ejercito). As much as possible, I make it a point to be here in two weeks at two weeks naman sa island,” she said.
Boy asked Andi to describe Philmar Alipayo and how her life in the island is.
She described him as “Mabait and a typical native of Siargao. Hindi siya masyadong aware sa buhay ko bilang artista. Sa kanya pa nga nagpapa-picture ang ibang bisita ru’n. Ako ang tagahawak ng camera. Mas kilala siya dahil champion nga sa surfing.”
Patuloy nito, “Six in the morning kami nagigising, punta sa beach (to watch the sunlight). Tapos, nanghuhuli sila ng isda na kinakain namin sa breakfast.”
It seems Andi has found at last her paradise and her Adam in the island.





Comments