top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sundalong takot magbuwis ng buhay, dapat kusang mag-bitiw sa serbisyo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2019
  • 2 min read

IBINABALA na ang matinding tag-init.

Pero, bukas, “biglang uulan”!

◘◘◘

MAS makabubuti kung ipade-deport ni P-Digong ang mga naaarestong Abu Sayyaf at mamumugot sa PAGASA Island na bahagi ng Spratlys Island.

Tiyak, manginginig sa takot ang mga Tsekwa!

◘◘◘

SA totoo lang, kabilang ang mga sinaunang Tsekwa na nagbungkal ng Rice Terraces sa Cordillera.

Pero, nang magsimu­lang mapugutan, nagsiba­lik sila sa Beijing!

◘◘◘

MATAGAL nang may takot ang mga beho sa katutubong Pinoy.

Hindi puwede ang pana­na­kot nila.

Kapag nagpumilit ang mga Tsino na pasukin ang pagasa, lulutang ang pugot na bangkay sa West Philippine Sea!

◘◘◘

MABABAIT ang mga Pinoy at sibilisado ngayon.

Kapag hindi iginalang ng mga Tsekwa ang International Law, puwedeng bale­walain din ng mga katutubong Pinoy ang umiiral na kala­karan sa karagatan.

Likas na karapatan ng mga katutubo na idepen­sa ang kanilang teritor­yong kinalakihan!

◘◘◘

ANG mga katutubong nakatira sa mga isla ay may likas na karapatang ipag­tanggol ang tinubuang lupa.

Nakahanda silang ma­matay sa sarili nilang lupa at dapat handa rin silang pugutan ang sinumang mang-aagaw nito!

◘◘◘

KAPAG may napu­gutang Tsekwa sa Spratlys Island, tiyak na lalayo ang mga ito sa teritoryo ng Pilipinas.

Hindi nuclear bomb at malalakas na armas ang pandepensa sa PAGASA sa Spratlys Island.

Kailangan ng mga katutubo ay lakas ng loob, tapang at kakayahang ibuwis ang buhay para sa depensa ng kanilang tirahan!

◘◘◘

HINDI maaasahan ang AFP at mga sundalo na idepensa ang teritoryo ng Pilipinas sapagkat takot sila na magbuwis ng buhay tulad sa pag-agaw ng China sa Scarborough Shoal.

Naagaw ng Tsino ang Panatag Shoal, pero walang naging martir sa Spratlys Island.

Isang malaking kahi­hi­­yan ito sa kasaysaya!

◘◘◘

HINDI dapat malungkot ang mga Pinoy kapag may naging martir sa Spratlys Island.

Karangalan ito ng Pilipinas.

Lihis ang konsepto at pilosopiya na itinuturo sa Philippine Military Academy!

◘◘◘

ANG pagiging martir ay kakambal ng pagiging sundalo.

Kapag takot magbuwis ng buhay ang mga sunda­lo, dapat silang kusang magbitiw sa serbisyo!

◘◘◘

DAPAT bumuo ang AFP ng suicide battalion sa Spratlys Island upang de­pen­sahan ang teritoryo.

Kailangang magka­roon ng monumento sa isla bilang mga unang martir sa West Philippine Sea!

◘◘◘

KUNG hindi nakahanda ang mga sundalo na mag­buwis ng buhay para sa depensa sa isla, para saan ang kanilang uniporme?

Para sa kanilang sarili?

Nakahihiya sa kaba­taang sumasaksi sa “aga­wan ng teritoryo”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page