top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sen. Drilon, bundat na bundat sa pork barrel noon, anti-‘pork’ na ngayon?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2019
2 min read

MATAPOS MAGPAKABUNDAT SA PORK BARREL NOON, ANTI-PORK NA SI DRILON NGAYON? — Umepal na rin si Sen. Franklin Drilon sa isyu ng pork barrel ng mga senador at kongresista na isingit sa 2019 National Budget, na ayon sa kanya, dapat daw kuwestiyunin ito sa Supreme Court (SC) sa dahilang ipinagbabawal na raw ng SC ang pork barrel.

Naks, anti-pork barrel na ngayon si Sen. Drilon, pero noong panahon ng gobyernong dilawan (Liberal Party), eh, isa siya sa mga senador na “bundat na bundat” sa “pork” na ipinagkakaloob ni ex-P-Noy sa mga pork barrel politician, pwe!

◘◘◘

MANGINGISDANG PINOY, ITINATABOY; PULIS, BINABOY NG CHINESE — Ayon kay DFA Sec. Theodoro “Teddyboy” Locsin, Jr., huwag na raw pa­lakihin ang isyu sa pansasaboy ng taho ng Chinese national na si Jiale Zhang kay P01 William Cristobal sa MRT-Boni Station sa Mandaluyong City.

Hay naku! Sa mga naging gobyerno, administrasyon lang ni P-Duterte ang walang malasakit sa mga Pinoy na inaabuso ng mga Chinese at patunay d’yan na dedma lang ang Malacañang sa pantataboy ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa karagatang sakop ng Pilipinas at ngayon naman, sabi ng DFA secretary ni P-Duterte, dedmahin na lang daw ang pambababoy ng Chinese national sa unipormadong pulis, buwisit!

◘◘◘

IMBES NA RESOLBAHIN ANG KORUPSIYON, NAGDRAMANG WALKOUT SI P-DUTERTE—Nag-walkout umano si P-Duterte nang malaman sa cabinet meeting na malala na ang korupsiyon sa gobyerno.

Pambihira, imbes na resolbahin ang problema sa korupsiyon dahil pakilala niya sa publiko ay anti-corrupt daw siya, eh, ang ginawa niya ay nag-walkout bilang bahagi ng panda-drama niya sa Malacañang, pwe!

◘◘◘

RAKET NI ‘JRT’, MGA EPEKTOS NIYA, IBI­N­A­BAGSAK SA DAGAT—Ang estilo raw ng smuggling ni alyas JRT ay ibinabagsak sa dagat ang kanyang mga epektos at saka ito kukunin ng mga tauhan niyang naka-motor boat para ipuslit papasok sa bansa.

Aba, dapat tutukan ni Bureau of Customs Comm. Leonardo ‘Jagger’ Guerrero ang raket ni “JRT” kasi baka ang laman ng mga epektos na ipinupuslit niyan papasok sa bansa ay may mga palamang shabu, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page