Sakto ngayong love month, besh! 5 TIPS KUNG PAANO MAGIGING HEALTHY ANG PUSO
No Problem

BUWAN ng pag-ibig ngayon, pero bukod sa usaping love life, eh, kumusta ang puso ninyo? Oo, puso, mga besh, literal na kalusugan ng inyong puso. For sure, wala kayong update rito dahil puro love life ang inaatupag ninyo, charot! Kaya naman dahil love month ngayon, alamin natin ang mga paraan kung paano natin mapananatiling malusog ang ating puso:
1. READ THE FOOD LABEL. Ayon sa mga eksperto, mas better na alamin natin ang lebel ng mga pagkaing ating kakainin, halimbawa, tingnan natin kung mataas ang fat, sugar o calories nito dahil malaki ang epekto nito sa kalusugan ng ating puso.
2. QUIT SMOKING. Kung naninigarilyo ka, mamsh, naku, mainam kung ititigil mo na ‘yan dahil masama ‘yan sa puso. Gayunman, alam nating mahirap ‘yang ihinto, pero make sure na babawasan ninyo nang sa gayun ay ma-prevent ninyo ang iba’t ibang kumplikasyon.
3. CHECK OUT YOUR WEIGHT. Sa mga matatakaw diyan, hinay-hinay lang dahil baka sa kakakain ninyo, eh, hindi n’yo na namamalayang palaki kayo nang palaki. Tsk! Hindi tayo namba-body shame, pero masama para sa puso na nagiging obese tayo at ‘yun ang palagi ninyong tatandaan, okie?
4. INCREASE YOUR PHYSICAL ACTIVITY. ‘Ika nga, galaw-galaw para hindi ma-stroke, mukha lang itong joke, pero double meaning ito, mga mamsh! Kung hindi tayo gagalaw, maaaring humina ang tibok ng ating puso.
5. AVOID PEOPLE WHO HURT YOU. Ooops… yes, layuan na ninyo ‘yung mga taong palagi kayong sinasaktan dahil sa totoo lang, may kinalaman ang pagiging broken-hearted sa mga sakit na maaaring makuha ng ating puso. Kaya, alam n’yo na, ha?
Have a healthy heart and a happy love life!
Gets mo?





Comments