Para sa mga busy sa Valentine‘s Day kaya dehins makapagde-date, read n‘yo ‘to! 8 THINGS NA PUWEDENG
- BULGAR

- Feb 11, 2019
- 2 min read

SIGURADONG may mga love bird d’yan na hindi makapagse-celebrate sa Valentine’s Day dahil sa kabi-kabilang responsibilidad sa trabaho at pamilya, gayundin na hindi natapat sa day-off nila ang Araw ng mga Puso. Hu-hu-hu! Pero, no need to worry dahil narito ang ilang date ideas na puwede ninyong gawin kahit dehins n’yo kering mag-celebrate sa mismong Valentine’s Day:
1. ART GALLERY HOP. Masayang gawin ito nu’ng mga bata pa tayo dahil nakakikita tayo ng iba’t ibang sining, pero ngayong malaki na tayo, hindi ba mas nakatutuwang gawin ito dahil marunong na tayong mag-appreciate ng mga bagay sa paligid natin? Magandang gawin itong muli, lalo na at kasama mo ang iyong special someone. Naks!
2. TRIP OUTSIDE CITY. Kung sawa na kayo sa environment ninyo sa trabaho o bet n’yo lang mamasyal, oks na oks ito, lodi! Puwede kayong pumunta sa mga malalapit na siyudad sa inyo at sumubok ng mga kainan at pasyalan na bago sa inyong panlasa.
3. VOLUNTEER. Kung pet lover kayong mag-partner, perfect ito para sa inyo dahil puwedeng-puwede ninyong yayain si boyfie na mag-volunteer. Kahit isang araw lang, siguradong worth it ‘yun dahil bukod sa ibang klaseng paraan ito ng pagde-date, eh, nakatulong pa kayo sa mga hayop na nangangailangan ng pag-aalaga at kalinga.
4. INDOOR PICNIC. Kung kayo naman ‘yung tipo ng couple na hindi mahilig mamasyal, keri n’yo pa ring mag-date, paano? Mag-set-up kayo na para bang magpipiknik kayo sa labas, pero this time, sa loob lang kayo ng bahay at ihanda ninyo ang mga paborito ninyong pagkain. Oks ito dahil dehins n’yo kailangang isipin kung magiging maulan o mainit sa araw na ‘yun. Oh, ‘di ba, bongga?
5. GET PHYSICAL. Siguradong may mga love bird diyan na adventurous, kaya game na game sa mga physical activity. Kaya mga lodi, para sa kakaibang trip para mag-celebrate ng Valentine’s Day, why not na mag-ice skating o mag-rock climbing kayo? Siguradong mag-e-enjoy kayo rito.
6. SPA DAY. For sure, pareho kayong pagod at stressed sa kani-kanyang trabaho at responsibilidad, kaya it’s time para magpa-spa kayo. Sa ganitong paraan, magiging mas maganda ang mood ninyo nang sa gayun ay may iba pa kayong mga bagay na puwedeng magawa sa araw na ito.
7. BAKE SOME TREATS. Kung si GF ay matagal nang gustong mag-bake para sa iyo, why not na samahan mo siya sa paggawa nito? Magandang paraan ito para gawin ang mga bagay na hindi ninyo regular na nagagawa dahil sa pagiging busy sa kani-kanyang trabaho.
8. MAKE A MEMORY BOOK. Perfect ito sa mga bro at sis natin diyan na mahilig kumuha ng mga litrato. Upang gawin ito, kailangan mayroon kayong scrapbook na walang laman at siyempre, camera! Para makalikom ng mga litrato, i-print n’yo lamang ang mga picture ninyo nu’ng first date o favorite moments ninyong dalawa. Magandang paraan ito upang mag-ipon ng mga alaala na magandang balikan paglipas ng panahon.
Dehins ninyo kailangang malungkot dahil puwede pa rin kayong mag-celebrate kahit hindi sa mismong Araw ng mga Puso.
Hindi rin kailangan na maging bongga, basta ang importante, eh, kasama ninyo ang isa’t isa.
Have a nice date! He-he-he!
Copy?





Comments