Pahiwatig na pumunta sa malayo nang sa gayun ay hindi masira ang buhay nang dahil lang sa init ng ul
- BULGAR

- Feb 11, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Raymond ng Raymond_Nama@facebook.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng nanaginip ako ng pulgas ng aso? Ang dami raw, tapos, malalaki pa, binunot ko ‘yung pulgas kaya natanggal sa ulo ko.
‘Yung ulo ko nabutas, tapos, nakita ‘yung utak ko at dahil marami ay nagdurugo na ‘yung ulo ko, gayundin na nahihilo ako.
Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Raymond
Sa iyo Raymond,
Sa kasalukuyan, magulo ang buhay mo. Maraming bagay ang nagpapasakit sa ulo mo. Minsan talaga, mahirap mabuhay sa mundo, pero wala namang taong naghahangad na magkaroon ng problema tulad ng pansarili, pangkabuhayan, pampamilya at marami pang iba.
Pero, sa totoo lang, hindi tayo isinilang para lang sa mga problema, kumbaga, narito tayo sa mundo para lumigaya at mamuhay nang tahimik sa masaganang kalagayan.
Ang sabi, ang mga suliranin ay lumilipas din, ang kailangan lang nating gawin ay ang maging matatag. Gayundin, ang mga problema ay mga pagsubok sa buhay na kapag nilabanan ay mawawala rin naman, kumbaga, tapang lang ang katapat nito. Kaya ang mga ito ay ibinibilang sa mga hamon ng kapalaran na hindi dapat inaatrasan.
‘Yan ang sabi ng marami, pero ‘yan din kaya ang sabi ng iyong panaginip? Ang sagot ay hindi. Kung ganu’n, ano ang solusyon, ayon sa iyong panaginip?
Lumayo ka! Magpunta ka sa malayo dahil ito ang magpapaganda sa buhay mo. Ang lakas ng loob ay huwag mong gamitin para harapin ang iyong mga suliranin kundi gamitin mo ito sa paglayo.
Samantala, huwag mo ring pairalin ang iyong tapang sa mga taong nagpapasakit sa ulo mo dahil baka hindi mo magustuhan ang kahihinatnan nito.
Mabigat ang payo mula sa iyong panaginip at puwedeng hindi mo ito paniwalaan, pero kung sakaling nangangamba ka para sa iyong buhay, ikonsidera mo ang paglayo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments