Pagdadala ng hindi pinapayagang liquid items sa MRT, 'wag nang ipilit, kalokah!

ISANG tulog na lang at in full swing na ang kampanya para sa mga tumatakbo for national position. Dahil d’yan, pansamantala muna tayong mawawala sa sirkulasyon ng BULGAR. I mean, ‘yung fez at pangalan lang natin ang mawawala sa pahayagan ng masa. Pero, mananatili tayong bukas at tatalakay ng mga isyung relate na relate sa ating lahat.
Anyway, mga friendship, magre-remind lang tayo na huwag nang magpumilit magdala ng anumang liquid items sa sandaling sasakay tayo ng tren ng MRT.
Actually, nagbigay na ng listahan ang pamunuan ng MRT ng liquid items ang maaari lamang nilang payagan sa loob ng istasyon at sa mga tren. Ito ay tulad ng milk formula o gatas para sa mga baby, tubig na inumin para sa mga may kasamang bata. Puwede rin ang gamot, juice o liquid nutrition para sa mga may sakit, kapansanan, life support at life sustaining liquids tulad ng dugo, gayundin ang gel at frozen liquids para palamigin ang medical-related items.
Mga friendship, tiis-tiis muna tayo na huwag magdala ng maiinom para sa kaligtasan nating lahat. Remember, ginawa ito ng pamunuan dahil may natanggap daw silang bomb threat at hindi ito maaaring balewalain.
Isa pa, maging respectful din tayo sa men and women in uniform. Huwag natin silang salaulain ng anumang inumin natin kung sakaling tayo ay kanilang sitahin dahil sa pagiging matigas ang ulo natin. Ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho at para rin ito sa kaligtasan ng lahat.
Gayundin, sa mga security guard sa MRT at maging sa mga pulis na nakaalalay sa seguridad, aba, matuto rin tayong rumespeto. Hindi natin kailangang mambulyaw at mamahiya ng mga pasahero. Tandaan na palagi natin daanin sa maayos na pakiusapan ang lahat.





Comments