Nanay na may anak na autistic kaya nahihirapang asikasuhin ang ibang anak
Dear Roma, Ako si Rodalyn, gusto kong humingi ng payo sa inyo kung paano ko maaasikaso ang ibang mga anak ko habang inaalagaan ko ‘yung anak kong may autism? Noon pa man ay pasan-pasan ko na ang mabigat na problemang ito, pero ngayon ko lang naramdaman na parang gusto ko ng sumuko. Sa ngayon, nahihirapan na ako, sana ay matulungan ninyo ako. Salamat! — Rodalyn
Rodalyn, Sobrang saludo kami sa iyo dahil nagpapakatatag ka para sa mga anak mo. Nais naming sabihin sa iyo na huwag kang susuko dahil lahat ng paghihirap mo ay masusuklian din pagdating ng araw. ‘Ika nga, ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim, pero minsan nasa ibabaw, kaya huwag kang mawawalan ng pag-asa. Hiling namin na pagpalain kayo ng nasa itaas. God bless sa’yo!





Comments