MORALES NG PHL NAVY UNA SA RONDA STAGE 3


ROXAS CITY – Natuto sa unang karera, kaya naman Pinoy rider muli ang nanalo matapos sikwatin ni Jan Paul Morales ng Philippine Navy-Standard ang Stage 3 ng LBC Ronda Pilipinas 2019 kahapon.
Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga Pinoy cyclists sa unang araw ng karera kaya nasingitan sila ni Francisco Perez Mancebo na isang foreign rider na taga-Spain pero pumapadyak sa Team Matrix Powertag Japan.
Si 7-Eleven rider Marcelo Felipe ang nagwagi sa 101.8-km Stage 2 Iloilo-Iloilo.
Para kay Morales masaya siya sa pagkakapanalo niya dahil unang beses niya ito sa UCI.
“I’m so happy kasi first time ko na nanalo sa UCI race tapos tinalo ko pa ang idol ko (Saleh),” saad ni two-time Ronda champion Morales.
Inirehistro ni 33-year-old Morales ang apat na oras, 35 minuto at 18 segundo sa 179.4-km sa event na inorganisa ng LBC at inisponsoran ng MVP Sports Foundation, Versa 2-Way Radio, Standard Insurance, Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources, Iloilo City at ng Province of Guimaras.
Tangan pa rin ni Mancebo ang overall, hawak niya ang 12:22:46, tatlong minuto at 52 segundo ang lamang kay Oranza na nasa No. 2 sa overall. (ATD)





Comments