Mister binaril sa batok, utas

PATAY sa tama ng bala sa batok ang isang magsasaka makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Magallanes, Lopez, Quezon.
Batay sa ulat, alas-7:30 ng gabi, nasa bulubunduking lugar at kainuman ng biktimang si Ferdinand Zurbano, 41, ang kanyang kumpare nang biglang sumulpot sa kanilang tagiliran ang suspek.
Agad siya nitong binaril ng isang beses sa batok bago tumakas.
Naisugod pa ang biktima sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy ang pag-iimbestiga sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek.





Comments