Kung dati, 'di maawat ang mga fans… BTS, 'DI DINUMOG NANG DUMATING SA AIRPORT SA TATE

HINDI lang naman ang BlackPink ang trending worldwide ngayon kundi maging ang BTS na nasa US din dahil presenter naman ang grupo sa mismong Grammy Awards 2019 held last night, Sunday (pero ngayong umaga pa lang dito sa atin), at the Staples Center.
Dumating ang BTS sa US last Feb. 9 (US time) at the Los Angeles International Airport (LAX) at kaagad na nag-trending ang hashtag na #BTSinAmerica pagdating na pagdating nila.
Proud na proud din ang ARMY’s (official name ng BTS’ fandom) sa maayos na pagdating ng grupo sa LAX at hindi raw na-mob sa airport.
“The boys landed safely, took a public exit, and didn’t get mobbed by LA ARMY’s. Not one touch. LA ARMY’s WINNING Y’ALL,” ang post ng isang Army.
Madalas kasing dumugin ang BTS sa mga airports to the point na nasasaktan na ang mga boys kaya tumutulong din ang ibang fans for taking necessary measures para hindi ito mangyari.
Dahil ngayong umaga pa lang ang Grammy Awards dito sa atin, for sure ay magte-trending din maghapon sa ‘Pinas ang performance ng grupo sa nasabing prestigious music awards ng US, pati na rin ang pagpe-present nila ng award.





Comments