Iligal na campaign poster, tarpaulin, baklasin na—Comelec
- Madel Moratillo
- Feb 11, 2019
- 1 min read

PINABABAKLAS ng Commission on Elections (Comelec) ang mga campaign material bago ang pagsisimula ng kampanya bukas, February 12.
Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, maaaring maharap sa anumang sanction ang mga kandidato na lalabag sa campaign poster policy.
Iligal ang paglalagay ng mga poster at tarpaulin sa mga lugar na hindi pinahihintulutan ng Comelec bilang common poster area.
Nakapagpadala na umano ang Comelec ng liham sa mga kandidato na may tarpaulin sa mga non-common poster area.
Samantala, nagsimula nang makipag-ugnayan ang Comelec sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa ‘Operation Baklas’.





Comments