16-anyos nagpuslit ng shabu sa selda, huli
- Jeff Tumbado
- Feb 11, 2019
- 1 min read

SWAK sa kulungan ang isang menor-de-edad na lalaki makaraang maaktuhang nag-abot ng pitakang may mga lamang iligal na droga sa isang preso sa police station sa Cebu City.
Ang 16-anyos na suspek ay nai-turnover ng San Nicolas Police Station sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development (CSWD) matapos maisagawa ang booking process nito.
Ayon kay SPO2 Edgardo Erci Emia, inaresto ang binatilyo matapos madiskubre na ang pitaka na dala nito ay may lamang 8 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng shabu.
Gayunman, bago ang insidente ay nagtungo sa presinto ang binatilyo para bisitahin ang kanyang kaibigan na si Jun Ramas na nakakulong dahil sa possession of illegal drugs.
Habang nag-uusap ang dalawa ay dumaan sa kanila si PO1 Floro Lada at dito natiyempuhan ang pag-abot ng binatilyo sa pitaka kay Ramas.
At nang usisain ay nagulat na lamang ang pulis nang makita ang mga sachet na nakasuksok sa pitaka.





Comments