top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sapilitang pagbabakuna, pinag-aaralan na

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2019
1 min read

KASABAY ng tigdas outbreak sa ilang lugar sa bansa, pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) na buhayin ang sapilitang pagbabakuna para sa kabataan.

Sa isang pahayag ni Health Sec. Francisco Duque III, gi­nawa na ito noong si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo pa ang pangulo.

Ito ‘yung panahon na bumaba umano ang insidente ng ilang sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng tigdas.

Sa ilalim ng mandatory immunization program, ang mga mag-aaral na papasok sa pre-school at elementary ay dapat kumpleto sa kinakailangang mga bakuna.

Ito ang nakikitang paraan ng ahensiya upang hindi na maulit ang measles outbreak sa bansa na nagresulta na rin sa kamatayan ng ilang kabataan.

Sa ngayon, may tigdas outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Central at Western Visayas.

At ang isa sa itinuturing na dahilan sa paglala ng kaso ay ang pagtanggi ng ilang magulang na mabigyan ng bakuna ang kanilang mga anak dahil sa kontrobersiyal na idinulot ng anti-dengue vaccine.

Samantala, ikinonsidera na rin ng DOH ang house-to-house vaccination program para makaiwas ang ka­bataan sa ilang uri ng sakit.

Gayunman, dahil sa hindi sapilitan ang pagturok, nasa mga magulang pa rin ang pasya kung papayag silang mabigyan ng bakuna ang kanilang anak o hindi.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page