top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Oplan Sita tinakbuhan | RIDER TIMBOG SA DROGA AT BALA

  • Maeng Santos
  • Feb 10, 2019
  • 1 min read

NAKORNER ang isang rider matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita dahil wala itong suot na helmet habang sakay ng motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct (PCP) 7 Head PSI Geraldson Rivera ang naarestong suspek na si Jeffrey Valenzuela, 22, ng Bgy. Talipapa, Quezon City.

Alas-8:00 ng umaga, nagsasagawa ang mga tauhan ng PCP-7 ng Oplan Sita sa kahabaan ng Tulay na Bato, Bgy. 164, Talipapa nang mapansin ang rider na walang suot na helmet habang sakay ng Yamaha Mio Aerox 155 na walang plaka kaya pinara itong mga pulis.

Hindi pinansin ng suspek ang mga pulis at hamarurot ito na naging dahilan upang habulin nina PO1 Jerry Salatamos at PO1 Mark Angelo Espartinas hanggang sa makorner.

Nang hanapan ng kaukulang papeles ng motorsiklo ay wala itong naipakita at pinakitaan pa nito ng masamang pag-uugali ang mga pulis kaya inaresto ito at nakumpiska sa suspek ang isang kutsilyo, pouch na naglalaman ng dalawang bala ng cal. 38 baril at isang plasticsachet ng pinatuyongdahon ng marijuana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page