NABULGAR, FOREIGN TERRORISTS NASA KAMPO NG SAYYAF

KASALUKUYAN umanong kinakanlong ng Abu Sayyaf Group ang ilang foreign terrorists sa Sulu na umano’y nakatakdang manghasik ng panibagong terorismo sa Mindanao.
Ito ang kinumpirmang Defense Department na nasa dalawang suicide bombers na foreigners ang naispatan umano habang nasa kampo ng ASG sa Sulu.
Ang dalawang Arab-looking suicide bombers ay kasakasama ng mismong bagong talagang emir ng ISIS-Philippines na si ASG Leader Hatib Hajan Sawadjaan.
Ang nasabing grupo rin ang nasa likod ng naganap na pagpapasabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu at tangkang pagpapasabog sa isang lugar sa Basilan.
Samantala, tiniyak naman ni Interior Secretary Eduardo Año na tuloy ang pagmo-monitor ng pamahalaan sa galaw ng teroristang grupo.
Ipinaliwanag pa ng kalihim na bukod sa nasabing Arab ay mayna-monitor din silang ilang Moroccan at Indonesian nationals ang ngayon ay nasa kuta ngAbu Sayyaf bilang mga trainer.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sila titigil hangga’t hindi nauubos ang puwersa ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.
Nakipag-ugnayan na rin sila kay PNP Chief Oscar Albayalde kung saan sinabi nito na hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa dinoble ang pangangalap ng mga impormasyon para hindi makalusot ang mga teroristang grupo.





Comments