Matapos mag-alburoto | 2 BULKAN MULING NAGBUGA NG LAVA
MULING nagbuga ng lava ang dalawang bulkan matapos mag-alburoto noong nakaraang dalawang linggo sa Indonesia.
Ayon kay Volcanology official Kasbani, nagbuga ng lava ang Mt. Merapi sa isla ng Java na umabot ng 2,000 metro pababa ng naturang bulkan. Una rito, nagbuga rin ng lava at usok ang Mt. Karangetang sa Siau Island sa Sulawesi. Gayunman, nagkasa ng forced evacuation ang awtoridad sa mga lugar na malapit sa bulkan.
Mula sa tatlong kilometro, itinaas pa ng awtoridad ang danger zone sa apat na kilometro mula sa crater nito.
Wala namang naiulat na nasawi at napinsala gayundin, hindi nagtaas ng alert sa nasabing mga bulkan.





Comments