KALAN NAPABAYAAN, 120 BAHAY TUPOK

UMABOT sa 120 bahay ang tinupok ng sunog sa bahaging Agham Road, Bgy. Pag-asa, Quezon City.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado alas-3:00 ng hapon at mabilis na kumalat dahil gawa ang mga bahay sa light materials.
Sa paunang imbestigasyon, napabayaang kalan ang pinagmulan ng apoy.
Kaugnay nito, aabot umano sa 240 pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa sunog, samantalang, aabot naman sa P800,000 ang halaga ng pinsala sa nasabing insidente.
Pansamantalang nanunuluyan sa ilang basketball covered court malapit sa lugar ang mga biktima ng sunog.





Comments