IMPORTS STALZER, BELL, NIEMER AT PERRY, PAMPALAKAS SA PSL
- BULGAR

- Feb 10, 2019
- 2 min read

MAS pinasaya, puno ng iba pang sorpresa at palaro ang mararanasan ng volleyball fans sa muling pagbubukas ng Philippine Superliga (PSL) ngayong araw sa Cainta, Rizal.
Ang arangkada ng festival of games ay magsisimula ng 3 pm kung saan matutunghayan ang motorcade ng mga koponan mula sa Cainta Municipal Hall hanggang Sta. Lucia Grand East Mall at ipiprisinta sila sa isang presscon ng 4 p.m.
Susunod na irorolyo ang red carpet para sa mga papasok na competitors kasabay ng pagdagundong ng Cainta Municipal Drum and Lyre Band kung saan inihanda rin ang meet-and greet session, parlor games at live entertainment para sa karagdagang kasiyahan ng fans. Ang event ay magsisilbing kick-off party ng season-opening ng PSL Grand Prix sa Peb. 16 sa Ynares Sports Center sa Pasig City.
Isasabak na sa bakbakan ng United Volleyball Club (UVC) na kilalang Cocolife ang kanilang roster laban sa two-time Grand Prix champion Foton ng 4 p.m. habang ang Generika-Ayala ay ipaparada ang imports mula Brazil at Azerbaijan kontra Sta. Lucia ng 6 p.m. sa main battle.
Makulay din ang hatid ng Love Parade Mardi Gras na mangunguna sa martsa ng lahat ng magtutunggaling team mula sa Philsports compound patungo sa venue para sa pormal na pagbubukas ng import-flavored conference.
“We designed our kick-off like this because it’s our way of giving it back to our fans for their tireless support,” ayon kay PSL chairman Philip Ella Juico, na hangad ipakita ang slam-bang battle sa prestihiyosong women’s club tourney na isasaere ng ESPN 5 at 5 Plus bilang broadcast partners. “As much as possible, we want our fans to meet and mingle with their favorite PSL players so they can personally wish them well before embarking on another tough season. We won’t be here without the fans, so we might as well bring the players closer to them.”
Inaabangan sa lahat ang laro ng Petron Blaze Spikers na nagkampeon noong 2018 at ipaparada ang mga dayuhang sina Stephanie Niemer at Katherine Bell bilang pinakahuling recruit nila kasama si national team member Denden Lazaro habang ang gigil na karibal nilang F2 Logistics ay ilalarga si dating Blaze Spiker Lindsay Stalzer at Becky Perry. (VA/MC)





Comments