top of page
Pokwang.jpg

MUNTINLUPA AT MANILA, HEAVY FAVORITES, PETMALU

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2019
2 min read

PAREHONG nagwagi ang heavy favorites na Muntinlupa at Manila noong Huwebes ng hatinggabi sa MPBL Datu Cup upang manatiling nakakapit ang standings sa second spot sa kani-kanilang dibisyon ng torneo.

Sa paglalaro nila sa sariling balwarte sa Muntinlupa Sports Complex, kinailangan pa ng Angelis Resort-backed Cagers ng ekstrang peryodo bago pinakapos ang Pasig Pirates squad, 98-92.

Namuno ang tikas ni Dave Moralde sa Cagers sa bisa ng 15 points, pero ang bagong recruit na si Ryusei Koga na siyang nagligtas sa krusyal na basket upang madale ng Cagers ang ika-13 panalo sa 21 laro.

Ang panalo ng Muntinlupa ang naglagay sa team para sa ikatlong posisyon dikit sa karibal na Batangas City Athletics.

Kinarga ni Koga, bilang matikas sa tug-of-war ang Muntinlupa kontra Pampanga upang makaangat sa pagsubok.

Tumapos siya na may 13 puntos kabilang na ang tres na nagpalamang sa 93-90 sa Cagers sa may 40 segundo na nalalabi sa overtime period.

Una rito, sinalvage ng Manila ang Marikina sa 91-89 win. Pumoste si Marvin Hayes ng double-double sa tinapos na 19 puntos at 10 rebounds para manguna sa Stars na umakyat sa second spot ng pahirapang bakbakan sa northern division ng torneo na inilunsad ni Senador Manny Pacquiao, kung saan si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes ang commissioner. Ang Bench production ay susi para sa ika-19 na panalo ng Manila sa loob ng 23 na laro, kalahati ng laro na una ang Makati.

Nakasubi ang Stars ng 61 puntos mula sa shock troopers kumpara sa tanging 36 lamang para sa Shoemasters nanatiling nasa 11th spot, karga ang 7-14 record.

Ito ang naglagay sa Shoemasters sa posisyon upang pagwagian ang nalalabing apat na laro at maiwasan ang komplikasyon at makatiyak ng awtomatikong playoff berth.(MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page