Ex-chairman huli sa shabu at boga
EASTERN SAMAR—Isang dating barangay chairman ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu at baril, kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Carolina, Can-avid sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si ex-Chairman Edwin Pomasin, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Pomasin sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang tatlong sachets ng shabu, baril at mga bala.
Nakapiit na si Pomasin na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments