Dahil sa mataas na bilang ng kaso ng sexual violence | SIERRA LEONE NAGDEKLARA NG NATIONAL EMERGENCY
- Jersey Sanchez
- Feb 10, 2019
- 1 min read
IDINEKLARA ni Sierra Leone President Julius Maada bilang ‘national emergency’ ang rape at sexual violence sa bansa, kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng kaso na kinabibilangan ng mga kabataan.
Gayunman, ang mga suspek na sangkot sa sexual violence ay mahaharap sa habambuhay na pagkakakulong habang ang mga biktima ay makatatanggap ng libreng medical services. Ang naturang hakbang ay kasunod ng panawagan ng mga aktibista.
Sa loob ng tatlong taon, tumaas sa 12,029 ang kaso ng panggagahasa sa bansa.





Comments