top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Budget ng DOH imbes dagdagan, tinapyasan pa, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2019
1 min read

IMBES NA DAGDAGAN ANG PONDO NG DOH, BINAWASAN PA — Tila propaganda lang ng Duterte gov’t. ang ipinakakalat nilang balita na libre ang pagpapagamot sa mga ospital na may “Malasakit Center”.

Paano mangyayaring libre ang pag­papagamot ng pasyente sa mga ospital na may “Malasakit Center”, eh, im­bes na dagdagan ang budget ng Depart­ment of Health ngayong 2019 National Budget, binawasan pa ito ng P14 bilyon? Boom!

◘◘◘

MAS MALAKI PA ANG ‘PORK’ NG MGA PULITIKO KAYSA SA BUDGET PANGKALUSUGAN NG MAMAMAYAN — Ibinulgar ni Ca­marines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. na sa naaprubahang P3.757 trillion 2019 National Budget, ang P125 bilyon dito ay pork barrel na pagpaparte-partehan ng mga kongresista at se­nador.

Pambihira, mas malaki pa ang “pork” ng pork barrel politicians kay­sa sa budget pangkalusugan ng ma­mamayan kasi ang inaprubahan lang ng budget department na pondo para sa DOH ay P74 bilyon lang, buwisit!

◘◘◘

PANGGAGAMIT NI ‘FLO­RENCE’ SA PANGALAN NI BATANGAS PD QUILATES, TULOY PA RIN — Hin­di pa rin daw naglulubay si alyas Florence sa panggagamit sa pangalan ni Batangas PD Sr. Supt. Edwin Quilates para makapangolekta ng intelihensiya sa mga iligalista sa la­lawigang ito.

Kung walang kinalaman si PD Quilates sa raket ni “Florence”, dapat ipatokhang na niya ang “tongpats” collector na ito, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page