top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BICYCOLOGY 2ND ANNIVERSARY CRITERIUM RACE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2019
1 min read

NAIS mo bang makisaya, habang nakikipaghiritan sa kapwa bikers? Lumahok sa 2nd Anniversary Criterium Race ng pamosong Bicycology Shop sa Pebrero 24 sa C-5 Extension (Golden Haven) sa Las Pinas.

Bukas ang karera para sa lahat ng mga biking enthusiast para sa mga kategoryang 60 & above; 50-59 yrs old; 40-49 yrs old; at 30-39 yrs old.

“Masaya po ito. Ginagawa po namin ito para mas marami tayong mahikayat na kababayan natin na maengganyong mag-bike para sa recreational activity at mabantayan natin ang ating kalusugan,” pahayag ng organizers na si John Garcia.

Katuwang ang Olympian swimmer na si Eric Buhain, itinayo ang Bicycology Shop para matugunan ang pangangailangan ng mga cycling enthusiast gayundin ang mga elite riders.

“Kompleto po rito. Ang lahat ng gamit na kailangan natin nandito na po at may mga mahuhusay taying mekaniko na magbibigay ng advice habang inaayos ang ating mga bisikleta,” sambit ni Garcia.

May entry fee na P100.00 bawat rider, ngunit naghihintay ang tropeo at papremyo sa podium finishers.

Sa mga nagnanais makilahok, magsadya at magparehistro sa mga branch ng Bicycology Shop sa President Avenue, B.F Parañaque (green world plaza), at Daanghari, Las Pinas (seaside dampa- Landers).

Limitado sa 100 kalahok ang bawat kategorya para sa Road Bikes race. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page