After manganak sa pangalawa nila ni Dingdong… MARIAN, OUT SA SHOWBIZ


MASAYA ang mga fans at supporters ni Marian Rivera dahil nakikita nilang fulfilled as a mother and wife ang Primetime Queen. At nagagawa pa rin niya ang mga bagay na ini-enjoy niya sa buhay.
May career pa rin at marami pa ring offers na endorsements kay Yan.
Pero ngayon na malapit nang isilang ni Marian ang baby boy nila ni Dingdong Dantes ay pansamantalang magpapahinga at magbabakasyon ang aktres.
Itinalaga na ni Yanyan ang sarili sa pag-aalaga sa junior nila ni Dingdong. Tulad din noong nanganak siya kay Baby Zia, two years ang gustong bakasyon ni Marian upang maalagaan nang husto ang kapatid ni Baby Zia.
At tulad ng dati, breastfeeding ang gusto niya para sa kanyang baby boy. Hindi niya ipauubaya sa yaya o nanay ang kanyang anak. Napaka-hands-on niyang mommy. Hindi tulad ng ibang artista si Marian na 3 to 4 months lang pagkapanganak ay balik-trabaho na.
At thankful ang Primetime Queen dahil very supportive at understanding ang GMA Network kapag siya ay nagli-leave sa trabaho dahil sa panganganak.
Naibibigay naman ni Dingdong Dantes ang kanilang pangangailangan bilang padre de familia.





Comments