top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

30K NA MGA BATA, SASABAK SA ARNIS, WUSHU AT FRISBEE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2019
1 min read

TATLONG bagong larangan ng palakasan ang magbubukas sa 2019 MILO Summer Sports Clinics. Ang mga ito ay Arnis, Wushu at Ultimate Frisbee na isasama sa 16 iba pang mga disiplina na inaasahang lalahukan ng mahigit 30,000 kabataan sa 700 na lugar sa buong bansa.

Hindi na kailangang magdalawang isip sa Arnis. Ito ang pambansang laro ng Pilipinas buhat pa noong 2009 sa bisa ng Republic Act 9850. Ang Wushu ay nagdala na ng maraming karangalan sa Pilipinas tulad noong nakaraang Asian Games sa Indonesia kung saan nakakuha ng dalawang tanso sina Agatha Wong sa Taijiquan at Divine Wally sa 52-kilo Sanda. Inaasahang maraming ginto ang mahahakot ng Wushu sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin dito.

Kasing bilis ng laro ang pag-usbong ng Ultimate Frisbee lalo na sa mga kabataan. Nilalaro na ito sa ilang paaralan at mas mahalaga ang bilis at liksi kumpara sa tangkad kaya angkop ito para sa mga Filipino.

Siyempre, hindi mawawala ang Basketball, Swimming at Lawn Tennis – ang tatlong bumuo ng mga unang MILO Summer Sports Clinics noong 1983. Kasama sa kumpletong listahan ay Badminton, Chess, Fencing, Football, Futsal, Golf, Gymnastics, Karate-Do, Parkour, Table Tennis, Taekwondo, Touch Rugby at Volleyball. (A. Servinio)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page