Training plane bumagsak | PILOTO AT ESTUDYANTE, DEDO

PATAY ang piloto at kanyang estudyante nang matagpuan sa bulubunduking lugar sa Hermosa, Bataan, ilang araw mula nang mabalitaang nawawala ang kanilang eroplano, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Kinilala ang mga nasawi na sina Captain Navern Nagaraja at ang student pilot na si Kuldeep Singh, kapwa Indian nationals.
Lumipad ang two-seater Cessna C152 noong February 4, alas-7:20 ng umaga para sa touch-and- go landing maneuver sa Plaridel at Subic airports. Ang eroplano ay inaasahang makababalik sa Plaridel airport alas-8:14 ng umaga. Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, agad na bumuo ng joint task force upang hanapin ang mga biktima. Kinabibilangan ito ng Charlie Company 48th Infantry Batallion, 7th Infantry Division mula sa Philippine Army, 1st Provincial Mobile Force Company-PNP SAR Team, PNP Orani, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office of Orani, Civilian Drone Groups Volunteers at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, Bataan.
Tumulong din ang Fliteline Aviation School na operator ng bumagsak na Cessna kung saan 2 civilian aircrafts ang pinagamit, kaakibat ng Sokol helicopter ng Air Force sa paggalugad sa bundok ng Sta. Rita.





Comments