PWD na gustong malaman ang dahilan kung bakit hindi nabigyan ng discount sa kanyang international fl

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Isa akong person with disability (PWD) at noong ako ay lalabas ng bansa, nagulat ako ng hindi ako nabigyan ng 20% sa ticket ko. Tama ba ito?— Elias
Dear Elias, Para sa inyong kaalaman, sang-ayon sa Section 1 ng Republic Act 10754 o mas kilala bilang “An Act Expanding the Benefit and Privileges of Persons with Disability (PWD)” na sinasabi:
“SEC. 32. Persons with disability shall be entitled to:
xxx
“(6) On fare for domestic air and sea travel. xxx”
Malinaw sa nasabing batas na ang dalawampung (20%) porsiyento ay para lamang sa biyaheng panghimpapawid at pandagat sa loob ng Pilipinas at hindi sakop dito ang mga biyahe palabas ng bansa.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments